Share

2 patay sa sunog sa Zamboanga

ZAMBOANGA CITY – Dalawa ang patay nang sumiklab ang isang sunog dito sa lungsod, Lunes, matapos umanong silaban ng isang lalaking may diperensiya sa pag-iisip ang isang bahay.

Sinadya umanong suugin ng isang hindi pinangalanang residente ang kanilang bahay sa Barangay San Jose matapos niyang saksakin ang kanilang bisita na si Isabelito Maninggo, ani District Fire Marshall Fire Superintendent Jhufel Brañanola.

Binawian ng buhay ang nasaksak na si Maninggo matapos itong ma-trap sa nasusunog na bahay kasama ang suspek, sabi ni Brañanola.

Umabot sa 15 bahay ang natupok sa apoy habang nasa higit 50 na pamilya ang nawalan ng tirahan, ani Brañanola.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang halaga ng ari-arian na nasira dahil sa insidente.

Article source: http://news.abs-cbn.com/news/12/04/18/2-patay-sa-sunog-sa-zamboanga

Loading...

Best Wordpress Plugin development company in India     Best Web development company in India