Share

3 miyembro ng ‘Ipit Gang’, huli sa Maynila

MAYNILA – Arestado nitong Martes ang 3 hinihinalang miyembro ng “Ipit Gang” matapos mambiktima ng 2 estudyante sa España, Maynila.

Kuwento ni alyas Matthew, inipit siya ng mga suspek at kinuha ang kaniyang cellphone nang pasakay siya ng UV Express.

“Nagdeklara na ng holdap. May hawak na patalim. Binigay ko na agad phone ko,” aniya.

Maya-maya, nabiktima naman ng mga suspek ang isang babae sa P. Noval St.

“Nagsisigaw na ako holdap. Sobrang takot na ako, buti rumesponde mga tao,” ani alyas Karen.

Nakatakas ang 2 sa mga suspek pero nahuli ng mga pulis ang 3 sa kanila.

Hindi naman narekober ang mga nakuhang cellphone sa mga biktima.

Mahaharap sa kasong robbery ang mga suspek habang pinaghahanap ang kanilang mga kasamahan. – ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Article source: http://news.abs-cbn.com/news/12/05/18/3-miyembro-ng-ipit-gang-huli-sa-maynila

Loading...

Best Wordpress Plugin development company in India     Best Web development company in India