Share

3 miyembro ng Maute group, sumuko sa Lanao del Sur

MAYNILA—Tatlo pa sa mga natitirang miyembro ng Maute group ang sumuko sa 82nd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Lanao del Sur nitong Sabado.

Ayon kay Lt. Col. Jason Jumawan, commander ng nasabing infantry battalion, nagpasyang sumuko ang tatlo dahil dismayado na umano sa kinaaanibang grupo na pinamumunuan ni Abu Dar, ang umano’y bagong lider ng Maute.

Isinuko rin ng tatlo ang isang rocket-propelled grenade, isang grenade launcher, isang M1 Garand rifle, at iba pang mga bala.

Nitong Biyernes, dalawa pang miyembro umano ng Maute ang sumuko sa 55th Infantry Battalion.

Ayon kay Col. Romeo Brawner, commander ng 103rd Infantry Brigade, kasabay ng rehabilitasyon ng Marawi ang patuloy na operasyon laban sa mga natitirang miyembro ng Maute.

Loading...

Best Wordpress Plugin development company in India     Best Web development company in India