Share

6 Chinese na ‘nangidnap’ ng 2 Taiwanese, arestado

MAYNILA – Inaresto ng mga pulis nitong Martes sa Las Piñas City ang 6 na Chinese national matapos umanong mangidnap ng 2 Taiwanese national.

Ayon kay Chief Insp. Marlo Solero, hepe ng intelligence unit ng Las Piñas City police, ikinasa ang operasyon matapos makatanggap sila ng impormasyon mula sa mga awtoridad sa Taiwan.

Nanghingi umano ng ¥1 milyon na ransom ang mga suspek sa pamilya ng mga biktima.

Depensa naman ng mga suspek, naniningil lang sila sa utang ng mga Taiwanese mula sa pagca-casino. Tumawag umano sila ng pulis matapos hindi makabayad ang mga biktima.

Pinabulaanan naman ito ni Solero. Natunton lang nila ang bahay na nirerentahan ng mga suspek sa Barangay Pilar sa isinagawang operasyon.

Nagpapasalamat naman ang mga biktima matapos silang masagip. Gusto lang nilang makauwi ulit sa Taiwan.

Ayon sa pulisya, posible umanong parte ng mas malaking sindikato ang mga suspek. Mas lalaliman nila ang imbestigasyon ukol sa kaso. – ulat ni Bruce Rodriguez, ABS-CBN News

Article source: http://news.abs-cbn.com/news/12/05/18/6-chinese-na-nangidnap-ng-2-taiwanese-arestado

Loading...

Best Wordpress Plugin development company in India     Best Web development company in India