Share

75 pasahero ng MRT pinababa dahil sa electrical failure

MANILA – Pinababa ang nasa 75 pasahero ng MRT-3 ngayong Linggo matapos magkaroon ng electrical failure ang isang tren. 

Dakong alas-6:30 ng umaga huminto ang southbound na tren sa Kamuning Station dahil sa aberya na dulot ng mga lumang electrical sub-components tulad ng main chopper, regulator at insulator, sabi ng pamunuan ng MRT-3 sa Twitter. 

Nakasakay naman anila ang mga pinababang pasahero sa kasunod na tren makalipas ang 2 minuto. 

Humingi ng paumanhin ang MRT management sa aberya at sinabing papalitan ang mga nagkaproblemang piyesa. 

May 12 tren anila ang tumatakbo, alas-8 ng umaga. Dumadating anila ang mga ito kada 10 hanggan 15 minuto sa mga istasyon. 

Tinatayang 500,000 pasahero ang sumasakay kada araw sa MRT na nasa kahabaan ng EDSA. 

Loading...

Best Wordpress Plugin development company in India     Best Web development company in India