Share

Aiko, ibinahagi ang magandang relasyon ng mga anak sa nobyo

MANILA — Ibinahagi ni Aiko Melendez na maganda ang relasyon ng kanyang mga anak sa kanyang nobyo na si Jay Khonghun, alkalde ng Subic.

Sa “Magandang Buhay” nitong Lunes, naging bukas si Aiko tungkol sa kanyang buhay pag-ibig at ang pagiging malapit ng kanyang nobyo sa dalawa niyang anak, lalo na si Andre.

“Andre is 20 years old so mas nagja-jibe sila sa usapang lalaki na minsan ay hindi ko masagot kay Andre ng diretso. So si Jay ang gumagawa nun. They have a very good relationship,” ani Aiko.

“With Marthena naman since she’s only 12 ay joke time ang bonding nila,” dagdag na kuwento ng aktres.

Pag-amin ni Aiko, importante ang pagiging malapit ng kanyang mga anak at ng kanyang nobyo. 

Pagbabahagi pa ng aktres may pagkakataong ang anak niya pang si Andre ang nagsabi sa kanya na ayusin ang naging tampuhan niya noon sa nobyo.

Ngayong Pasko, magtutungo sa Japan si Aiko at kanyang mga anak kung saan siya lumaki.

“First time nila pareho. Excited talaga ako na magkasama kami,” ani Aiko.

Matatandaang nito lamang Abril unang maglabas ng retrato si Aiko kasama ang nobyong alkalde.

Article source: http://news.abs-cbn.com/entertainment/12/03/18/aiko-ibinahagi-ang-magandang-relasyon-ng-mga-anak-sa-nobyo

Loading...

Best Wordpress Plugin development company in India     Best Web development company in India