Share

‘Big-time’ dagdag-presyo, dagdag-buwis sa langis posibleng magsabay sa Martes

Pinapayuhan ang mga motorista na magpakarga na nang maaga dahil may “big-time” oil price hike sa susunod na linggo.

TINATAYANG DAGDAG-PRESYO SA LANGIS:

  • Diesel → P2.20-P2.30/litro
  • Gasolina → P1.40-P1.50/litro
  • Kerosene → P1.80-P1.90/litro

Ito na ang ikalawang sunod na linggong may oil price hike dahil noong nakaraang Martes ay tumaas na din ang presyo ng petrolyo. 

Posibleng sumabay pa dito ang hiwalay na dagdag-presyo bunsod ng ikalawang bugso ng excise tax sa langis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act.

Sa pagtataya ng Department of Energy (DOE), posibleng Enero 15 hanggang Pebrero 1 maging epektibo ang dagdag-buwis sa langis.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News