Share

Biktima ng bagyong Yolanda, nabigyan ng pag-asa ng mga produktong pampaganda


Negosyo sa mga produktong pampaganda, dala ay bagong pag-asa. Ito ang naging kapalaran ni Marissa Van Ammel matapos ang matinding trahedyang kinaharap ng kanyang pamilya.

Nagmula sa isang malaking pamilya mula sa Eastern Samar si Marissa. Sa pagsasaka kinukuha ng kanyang ama ang pantustos para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Dahil hindi ito sapat sa kanila, sa edad na sampu, maaga siyang nagtrabaho bilang kasambahay at nahiwalay sa kanila.

Dahil mataas ang pangarap para sa pamilya, tinulungan siya ng kanyang amo at pinag-aral hanggang kolehiyo. Nagtapos siya sa kursong Economics sa University of the Philippines Visayas.

Nang makapagtapos, unti-unti nang guminhawa ang buhay ng pamilya ni Marissa. Nakapangasawa na rin siya at nagkaroon pa ng negosyo. 

Pero ang papaganda na niyang buhay, mabilis na naglaho nang dahil sa matinding trahedya. 

Taong 2013, isa ang kanyang pamilya sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda. Ang kanilang tahanan at kabuhayan ay nawala.

“Noong panahon ng Yolanda, back to zero talaga. Wala talaga kaming naisalba na negosyo, so, kailangan mag-start ulit.” pagkukuwento ni Marissa sa My Puhunan.

Bagamat may sarili nang pamilya, patuloy pa rin si Marissa sa pagtulong sa pamilya sa probinsya. Dahil hindi na sumasapat ang kanyang kinikita sa trabaho, nagdesisyon siyang humanap ng sideline.

Dito niya nadiskubre ang pagbebenta ng iba’t ibang beauty products. Gamit ang P15,000.00 na puhunan, nagsimula siyang maging city distributor ng mga ito.

Hindi naging madali sa umpisa ang kanyang pagbabalik-negosyo. Dumating sa punto na napagkamalan siyang scammer dahil karamihan sa kanyang mga transaksyon ay online. Dahil pursigido, pinagsumikapan niyang kuhanin ang tiwala ng kanyang mga kliyente.

Makalipas lamang ang ilang buwan, isa na siya sa mga top distributors nito. Lahat ng kanyang pagod at sakripisyo ay naging sulit. Iniaalay niya ang tagumpay sa kanyang pamilya.

“Proud ako sa mga taong tumulong para maging ganito ako, unti-unti. Everyday, lagi kong sinasabi na nagpapasalamat ako kasi everyday, nabe-bless kami.”

Sundan ang My Puhunan online: 
Microsite: news.abs-cbn.com/MyPuhunan
Facebook Twitter: @MyPuhunan
Instagram: @mypuhunantv

Panoorin ang My Puhunan online:
www.IWANTV.com.ph (within PH)
www.TFC.tv (outside PH)
www.youtube.com/abscbnnews (episode highlights)

Article source: http://news.abs-cbn.com/video/business/12/05/18/biktima-ng-bagyong-yolanda-nabigyan-ng-pag-asa-ng-mga-produktong-pampaganda

Loading...

Best Wordpress Plugin development company in India     Best Web development company in India