Share

BuCor officer, tinambangan sa Muntinlupa

MAYNILA – Patay ang isang tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Muntinlupa City Lunes ng hapon.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo si Chief Insp. Angelito Padilla.

Ayon kay Senior Supt. Gerardo Umayao, hepe ng Muntinlupa City police, galing ang biktima sa National Bilibid Prison at papunta sa National Road sakay ng kaniyang kotse.

Pagdating nito sa palengke ng Poblacion ay dumating ang riding-in-tandem at saka pinagbabaril ang biktima pasado alas-3 ng hapon.

Agad na tumakas ang mga salarin habang isinugod naman sa ospital si Padilla. Makalipas ang ilang oras, binawian rin ito ng buhay.

Palaisipan pa sa pulisya ang motibo sa pamamaslang. – ulat ni Ron Lopez at Ernie Manio, ABS-CBN News

Article source: http://news.abs-cbn.com/news/12/04/18/bucor-officer-tinambangan-sa-muntinlupa

Loading...

Best Wordpress Plugin development company in India     Best Web development company in India