Share

Dingdong Dantes, nagbigay-pugay kay Vice Ganda

Vice Ganda (left) and Dingdong Dantes star in “Fantastica.” Photos from @praybeytbenjamin and @dongdantes on Instagram

MANILA — Isang pagpupugay kay Vice Ganda ang ibinahagi ng aktor na si Dingdong Dantes.

Sa Instagram nitong Linggo ng gabi, ipinakita ni Dingdong ang mga retrato ni Vice Ganda na kuha mula sa Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Magkasama ang dalawa sa pelikulang “Fantastica” na isa sa walong kalahok ng MMFF ngayong taon.

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on Dec 30, 2018 at 5:34am PST

Sa caption, ibinahagi ni Dingdong ang napagkuwentuhan nila ni Vice at kung bakit niya hinangaan ang “It’s Showtime” host.

“While aboard the ‘Fantastica’ float a couple of days before Christmas, naikuwento sa akin ni [Vice] na not so long ago, kasama siya sa libu-libong mga tao na nag-aabang ng MMFF caravan na dumadaan sa may FEU. Katulad din ng marami, sobrang nabibighani siya tuwing may dumadaan na mga gumaganap sa pelikula, at di niya nalilimutan ‘yon. Tignan mo naman ang tadhana— ang dating kumakaway bilang manonood ay siya nang kumakaway mula sa float na tinitingalaan ng marami,” ani Dingdong.

Dagdag niya: “Maraming salamat, Vice, at nabigyan ako ng pagkakataon na malaman kung bakit ka nga ba minamahal ng milyon-milyon nating mga kababayan. Pagkatapos ng experience kong katarabaho ka, nasabi ko na sa sarili ko, ‘ah…kaya naman pala.’ You give so much of yourself to that difficult quest of entertaining people who need it the most — at the place, and at the right time.”

Sa nakaraang panayam sa tagapagsalita ng MMFF na si Noel Ferrer, sinabi nitong nangunguna ngayon sa takilya ang “Fantastica” at ang “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” nina Coco Martin, Vic Sotto, at Maine Mendoza.

Loading...

Best Wordpress Plugin development company in India     Best Web development company in India