Share

Inflation, bumagal sa 6 porsiyento nitong Nobyembre

Kinakarga ng isang trabahador ang ilang paninda sa isang palengke sa Benguet. Reuters

Bumagal ang inflation, o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin noong Nobyembre, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority.

Naitala sa 6 porsiyento ang inflation noong Nobyembre, mula sa 6.7 porsiyento inflation noong Oktubre at noong Setyembre. Ito na ang unang pagbagal ng inflation ngayong taon.

Tumama ito sa tantiya ng Bangko Sentral ng Pilipinas na maglalaro sa 5.8 hanggang 6.6 porsiyento ang inflation nitong Nobyembre.

Bumagal naman sa 5.6 porsiyento mula 6.1 porsiyento ang inflation sa Metro Manila. Bagaman naitala ang 8.9 porsiyento mula 9.1 porsiyentong inflation sa Bicol Region, ito pa rin ang rehiyong may pinakamabilis na inflation.

Kabilang pa rin sa pinakamalaking kontributor ng taas-presyo ang pagkain, inumin, kuryente, at produktong petrolyo.

Bumagal sa 8 mula 9.4 porsiyento ang inflation dulot ng tapyas-presyo sa bigas, mais, gulay, at karne, ayon kay National Statistician Lisa Grace Bersales.

Tumaas ang inflation sa pasahe ng jeep at tricycle, habang bumagal ang presyo ng produktong petrolyo. Magugunitang nagkaroon ng sunod-sunod na linggong rollback sa presyo ng langis.

Dating nabanggit ni Finance Secretary Sonny Dominguez na babagal ang inflation bago matapos ang 2018.

UNEMPLOYMENT TUMAAS, UNDEREMPLOYMENT BUMABA NITONG OKTUBRE

Bahagyang tumaas ang unemployment rate ng bansa nitong Oktubre sa 5.1 porsiyento, kumpara sa 5 porsiyento noong Oktubre 2017.

Ibig sabihin, ayon sa datos, may 41.3 milyon ang employed na Pinoy, 2.2 na unemployed, habang 5.5 milyon naman ang underemployed nitong Oktubre.

Bumaba naman ang underemployment, o ang naghahanap pa ng ibang pagkakakitaan kahit may trabaho dahil hindi sapat ang kita, mula 15.9 porsiyento sa 13.3 porsiyento.

Ito rin umano ang pinakamababang underemployment rate magmula noong 2003.

— May ulat ni Warren de Guzman, ABS-CBN News

Article source: http://news.abs-cbn.com/business/12/05/18/inflation-bumagal-sa-6-porsiyento-nitong-nobyembre

Loading...

Best Wordpress Plugin development company in India     Best Web development company in India