Share

Jollibee nagbukas na sa London

LONDON – Opisyal nang binuksan ang kauna-unahang Jollibee sa United Kingdom Sabado ng umaga, dagdag sa higit 1,300 worldwide store ng sikat na Filipino food chain. 

Ito ang ikalawang branch ng Jollibee sa Europe. Ang una ay matatagpuan sa Milan, Italy. 

Hindi mawawala sa patok na menu ng restaurant ang trademark na Chickenjoy na may kapares na kanin o Jolly spaghetti, at burgers and fries. 

Dinudumog ng mga Pilipino ang mga sangay ng Jollibee sa labas ng Pilipinas dahil sa dulot nitong pakiramdam nang pagbalik sa kinalakihan. 

Layon din ng Jollibee na ipakilala sa British consumers ang kanilang mga produkto. 

“We are very excited because we will be able to provide the taste of home to our kababayans here as well as offering our products to the British people,” sabi ni Ernesto Tanmantiong, president at CEO ng Jollibee Foods Corporation sa official launch noong Biyernes. 

“This brings the taste of home even closer to them and I would like to congratulate Jollibee for bringing their first store in the UK,” ayon kay Philippine Ambassador to the United Kingdom Antonio Lagdameo. 
 

Magiging agresibo rin ang expansion ng Jollibee sa UK at hindi raw matitinag ng Brexit, o ang paglabas ng UK sa European Union, dahil sa loob ng 5 taon, 25 branches ang bubuksan sa UK at kabuuang 50 sa Europa, kung saan maraming Pilipino ang naninirahan. 

“We believe the fried chicken market in the UK is very big and we would like to be a major player in this market,” dagdag ni Tanmantiong. 

“There is a strong match between the strength of Jollibee, the Chickenjoy and the potential of the market here in Europe,” sabi ni Dennis Flores, president at head ng International Business, Europe, Middle East and Asia (EMEAA). 

Sa ilang post sa Twitter, kitang madaling araw pa lang ay may mga pumila na sa labas ng bagong Jollibee branch. 

Ayon sa ilang ulat, isang all-Pinoy crew ang magsisilbi sa pinakabagong Jollibee. 

– May ulat ni Rose Eclarinal, ABS-CBN News

Article source: http://news.abs-cbn.com/business/10/20/18/jollibee-nagbukas-na-sa-london