Share

Lalaking pa-ospital, nadisgrasya; misis na angkas sa motorsiklo, patay

DAVAO CITY – Patay ang isang ginang matapos maaksidente ang sinasakyang motorsiklo na minamaneho ng kaniyang asawang papunta sana sa ospital para magpa-dialysis sa lungsod na ito, Sabado ng umaga.

Sumemplang ang motorsiklo dahil nagulat ang driver na si Melanio Garcia, 70, nang mapansing hindi sementado ang isang bahagi ng binabagtas na Carlos P. Garcia Highway sa Barangay Catalunan Grande, ayon sa pulisya.

Nahulog anila mula sa motorsiklo ang 67 anyos na misis ni Garcia na si Gloria at nagulungan ng katabing mixer truck, dahilan para agaran siyang mamatay.

Sugatan naman si Garcia na may sakit sa kidney.

Samantala, iginiit ng truck driver na normal ang kaniyang takbo at hindi lamang namalayang natumba ang motorsiklo ng mag-asawa.

Posible siyang maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide kung ihahabla ng pamilya Garcia.

Loading...

Best Wordpress Plugin development company in India     Best Web development company in India