Share

Magbayaw na ‘tulak’, timbog sa Pateros

MAYNILA – Timbog ang magbayaw na sangkot umano sa pagtutulak sa Barangay Santa Ana, Pateros.

Inaresto sila sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 152 ng Pasig City.

Nakuha sa kanila ang higit 5 gramo ng hinihinalang shabu na itinago sa mga sapatos na pambata.

Nasa drugs watch list ng pulisya, barangay, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga suspek.

Base sa imbestigasyon, mga kabarangay rin umano ang mga parokyano ng magbayaw.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. – ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Article source: http://news.abs-cbn.com/news/12/06/18/magbayaw-na-tulak-timbog-sa-pateros

Loading...

Best Wordpress Plugin development company in India     Best Web development company in India