Share

Mga ‘scalper’ ng mga UAAP tiket binalaan ng pulisya

MAYNILA- Mas paiigtingin pa ng pulisya ang kampanya nito kontra sa mga scalper ng tiket sa laro ng Ateneo de Manila University at University of the Philippines (UP) sa Miyerkoles.

Nagbabala si Quezon City Police District director, Chief Supt. Joselito Esquivel na aarestuhin ang mga scalper na magbebenta ng mas mahal na tiket sa ikalawang laro ng UAAP men’s basketball finals.

Labing-pitong katao ang inaresto ng pulisya noong unang laro ng UAAP men’s basketball finals dahil sa pagbebenta ng mas mahal na tiket, ayon kay Esquivel.

Umapela naman si Metro Manila Police director Chief Supt. Guillermo Eleazar sa mga estudyante ng Ateneo at UP na maging mahinahon sa darating na laro at nagbabala na aarestuhin ang sino man na gagawa ng kaguluhan.

Matatandaang tinalo ng Ateneo Blue Eagles ang UP Fighting Maroons sa unang beses nitong paghaharap noong Sabado. 

Muling magtutuos ang dalawang koponan sa Game 2 na gaganapin sa Miyerkoles sa Araneta Coliseum.

-ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Article source: http://news.abs-cbn.com/news/12/04/18/mga-scalper-ng-mga-uaap-tiket-binalaan-ng-pulisya

Loading...

Best Wordpress Plugin development company in India     Best Web development company in India