Share

Mga sekyu na nagpapanggap na pulis ngayong Pasko, binalaan

MAYNILA- Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) nitong Martes laban sa mga guwardiyang nagpapanggap na miyembro ng kapulisan para makapanghingi ng pera ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay Chief Supt. Jaime Santos, nagpalabas na sila ng memo ukol dito matapos makatanggap ng mga reklamo tungkol sa ilang guwardiyang nagpapanggap na mga pulis.

Nangongolekta umano ng pera ang mga nasabing guwardiya sa mga negosyante, mall, bangko, at mga hotel para sa kanilang Christmas party at mga papremyo sa raffle.

“Automatic po kasi yan pag naaktuhan na nagsosolicit or may sumbong e yan po ay isusumbong sa local police at aarestuhin po yan,” ani Santos.

Babala ni Santos, posibleng makasuhan ng ilegal na paggamit ng uniporme at usurpation of authority ang mga nagpapanggap na pulis.

Paglilinaw din ni Santos, ipinagbabawal ng PNP sa mga pulis ang pangongolekta ng pera ngayong Kapaskuhan.

“Huwag po nating abusuhin yung ating serbisyo at yung kautusan ay ating sundin na hindi tayo dapat mag solicit,” aniya.

-ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News
 

Article source: http://news.abs-cbn.com/news/12/04/18/mga-sekyu-na-nagpapanggap-na-pulis-ngayong-pasko-binalaan

Loading...

Best Wordpress Plugin development company in India     Best Web development company in India