Share

‘Paskorela’, bibida sa kalsada sa Cagayan de Oro

Nagpagandahan ng dekorasyon ang mga driver ng Motorela sa Cagayan de Oro City para sa nalalapit na Pasko. Rod Bolivar, ABS-CBN News

CAGAYAN DE ORO CITY – Nagpatalbugan ang mga driver ng motorela sa paglagay ng dekorasyon sa kanilang mga sasakyan.
 
Ang motorela ay ang pangunahing pampublikong transportasyon sa lungsod o ang lokal na bersyon ng pedicab na dinesenyo ng isang Kagay-anon noong dekada 60.
 
Sa pag-decorate sa kanilang mga sasakyan, kailangan nilang gumamit ng indigenous at recyclable materials kaya’t mayroong gumamit na pakaw ng mais, iba-ibang parte ng punong niyog, lata, at plastic bottle.

Bida din sa dekorasyon ang Christmas symbols tulad ng mga anghel, Santa Claus, reindeer, at belen.

“Orihinal sa Cagayan de Oro ang motorela kaya gusto namin na maging parte ito sa pagdiriwang ng Pasko,” sabi ni Eileen San Juan, organizer ng Paskorela.

Umaasa din ang mga driver na sa pamamagitan ng dekorasyon sa kanilang motorela, mas dadami pa ang sasakay na pasahero.

Buong buwang ng Disyembre, mamasada ang mga ito sa iba’t-ibang ruta ng lungsod.

Samantala, Symphony of Lights naman ang tema ng dekorasyon sa city hall.

Napuno ng Christmas lights ang gusali at nagbabago ang disenyo at kulay ng ilaw kasabay ng musika.

Ito ang pangalawang taon na ginawa ang Symphony of Lights sa city hall.

“Christmas is always a season of merriment, joy, and happiness, and it is best expressed thorough lights. So were offering this for the people of Cagayan de Oro,” sabi ni Mayor Oscar Moreno.

Ipatutugtog at ipapailaw ang Symphony of Lights mula alas-7 hanggang alas-10 ng gabi.

Article source: http://news.abs-cbn.com/news/12/04/18/paskorela-bibida-sa-kalsada-sa-cagayan-de-oro

Loading...

Best Wordpress Plugin development company in India     Best Web development company in India