Share

Petrolyo may taas-presyo sa Martes

Ilang kompanya ng langis ang nag-anunsiyo na magkakaroon sila ng taas-presyo sa kanilang mga produkto simula Martes, Pebrero 12.

Ayon sa Shell, Petro Gazz, PTT Philippines, at Eastern Petroleum, P0.90 ang kanilang itataas sa kada litro ng gasolina, at P0.55 naman sa kada litro ng diesel.

May P0.85 taas-presyo rin ang Shell sa kada litro ng kerosene.

Magiging epektibo ang mga bagong presyo ng mga produkto ng Shell at Petro Gazz simula alas-6 ng umaga. –Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Loading...

Best Wordpress Plugin development company in India     Best Web development company in India