Share

Presyo ng ilang gulay sa Benguet patuloy na bumababa

Bumaba na ang presyo ng ilang gulay sa La Trinidad, Benguet higit isang buwan matapos tamaan ng bagyong Ompong ang lugar.

Mula P200 hanggang P250 kada kilo ay nasa P40 hanggang P50 kada kilo na lang ang presyo ng celery.

Mula naman sa P150 kada kilo, P35 na lamang ngayon ang sayote.

Bahagya namang bumaba ang presyo ng patatas, na naglalaro sa P50 hanggang P52 mula sa dating P60 hanggang P65 kada kilo.

Ngunit mataas pa rin ang presyo ng ibang gulay gaya ng repolyo, lettuce, at broccoli.

Doble naman ang ibinaba ng presyo ng sibuyas sa Bayambang, Pangasinan, na P30 na lang mula P60 kada kilo.

Kinailangan kasi umano makipagsabayan ng merkado sa presyo ng inaangkat na sibuyas na nasa P40 hanggang P45 kada kilo.

– Ulat ni Justine Aguilar, ABS-CBN News

Article source: http://news.abs-cbn.com/business/10/20/18/presyo-ng-ilang-gulay-sa-benguet-patuloy-na-bumababa