Share

SAPUL SA CCTV: Babae sa Taguig, binaril sa tabi ng mister

Nakuhanan ng CCTV ang pamamaril sa isang babae sa isang pampublikong lugar sa Taguig City noong gabi ng Linggo.

Sa kuha ng CCTV, mapapanood na binaril ng isang lalaki ang biktimang si Diane De Leon habang nasa tabi ng kalsada kasama ang kaniyang mister na si Amilol Tali Kasan.

Nag-aabang umano ng masasakyan ang dalawa dahil may kailangang bilhin ang biktima.

Mabilis na naglakad ang namaril na salarin papunta sa kaniyang kasamahang lulan ng motorsiklo at tumakas.

Sa ibang kuha ng CCTV, bago ang pamamaril, mapapanood ang paghinto ng motorsiklo malapit sa mag-asawa at pagbaba ng gunman patungo sa biktima.

Naitakbo pa sa ospital ang biktima pero agad ding binawian ng buhay.

Sinisilip ng pulisya ang personal na alitan at away dahil sa droga bilang mga motibo sa pamamaril, sabi ni Senior Superintendent Alexander Santos, hepe ng Taguig City.

Dahil sa kuha ng CCTV, natukoy ng pulisya ang gunman na kanila nang tinutugis.

Ayon kay National Capital Region Police Office chief Director Guillermo Eleazar, dawit sa droga ang lalaking namaril at inaalam na ang kaniyang koneksiyon sa biktima.

Inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng kasabwat ng gunman.

–Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Article source: http://news.abs-cbn.com/news/12/03/18/sapul-sa-cctv-babae-sa-taguig-binaril-sa-tabi-ng-mister

Loading...

Best Wordpress Plugin development company in India     Best Web development company in India