Share

‘Star Power’ finalist, nanawagan ng tulong kay Sharon Cuneta

MAYNILA — Tuloy pa rin sa pag-abot ng kanyang pangarap si Natasia Cunanan na minsang naging bahagi ng Kapamilya singing search na “Star Power” kung saan nagwagi si Angeline Quinto.

Sa kanyang maituturing na first major concert sa Music Museum, baon ni Natasia ang pag-asa na muling madudugtungan ang buhay ng kanyang ina na may brain tumor.

A post shared by Natasia (@natasiacunanan) on Dec 4, 2018 at 5:55am PST

“Itong benefit concert na ito is for my mother, mayroon siyang brain tumor. Actually naoperahan na siya before with the help of miss Sharon Cuneta,” tugon ni Natasia.

Aniya, ang “Star Power” host noon na si Sharon Cuneta ang isa sa unang tumulong sa kanyang ina.

“Noong nalaman niya kung bakit ako sumali sa ‘Star Power,’ kasi para mapagamot nga ang mother ko, binulungan niya ako. Sabi nya, ‘Win or lose, ako na bahala sa mama mo.’ Ngayon po nag-recur ‘yung tumor at nagkaroon ng infections,” ani Natasia.

At dahil muling nangangailangan ng malaking halaga para maipagamot ang kanyang ina, hiling ngayon ni Natasia na muli siyang matulungan ni Megastar.

“Sana mabigyan ng chance na makarating sa kanya itong condition ni Mama,” aniya.

Sa kabila nito, nananatiling positibo si Natasia na muli pang madudugtungan ang buhay ng kanyang ina.

Mapapanood ang benefit concert ni Natasia ngayong January 11 sa Music Museum kasama sina Katrina Velarde, Benjamin Manalo, at Angeline Quinto.
 

Loading...

Best Wordpress Plugin development company in India     Best Web development company in India