Share

Taas-presyo sa asukal, isinisisi sa ‘pananamantala’ ng ilang retailer

Nagre-repack ng asukal ang isang lalaki sa Taguig. File Photo, ABS-CBN News

Iginiit ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na walang problema sa supply ng asukal kasunod ng pagtaas ng presyo nito sa ilang mga palengke. 

Posible umanong may mga nananamantalang negosyante na nagmamanipula ng presyo ng asukal sa mga pamilihan, ayon kay SRA Administrator Hermenegildo Serafica nitong Biyernes. 

Paliwanag niya, dapat P53 hanggang P55 kada kilo lamang ang presyuhan sa refined o white sugar, habang P45 hanggang P48 naman dapat ang kada kilo ng brown at washed sugar, pero may mga retailer umano na nagbebenta ng asukal sa P55 hanggang P60 kada kilo. 

“Definitely, there are a lot of people taking advantage of the situation at the expense of our general public,” aniya. 

Tatlong linggo na rin aniyang mababa ang presyo nito sa farmgate. Nasa P1,450 kada sako sa ngayon ang farmgate price ng asukal. 

Pero aniya, monitoring lamang at pagpapadala ng liham sa mga magbebenta ng overpriced na asukal ang kayang gawin ng SRA at nasa kamay ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagsita sa mga nagbebenta ng overpriced na asukal sa mga pamilihan. 

Nakikipag-ugnayan na rin ang SRA sa DTI at sa Department of Agriculture para itakda na ang SRP ng asukal.

Article source: http://news.abs-cbn.com/business/12/04/18/taas-presyo-sa-asukal-isinisisi-sa-pananamantala-ng-ilang-retailer

Loading...

Best Wordpress Plugin development company in India     Best Web development company in India