Share

Tanod patay sa pamamaril sa GenSan

GENERAL SANTOS CITY – Patay ang isang tanod ng Barangay City Heights sa General Santos City matapos pagbabarilin nitong Martes.

Kinilala ang biktima na si Ramon Brotarlo Jr., 48, na sinundan umano ng riding-in-tandem mula sa kaniyang bahay papuntang barangay hall bago pagbabarilin.

Tinamaan ito sa likod ng ulo na naging sanhi ng agarang kamatayan ng biktima.

Ayon kay Barangay Chairman Ritchie Matutina, walang kagalit sa barangay ang biktima at hindi rin ito nasangkot sa ilegal na droga.

Ayon naman sa kapatid ng biktima, suma-sideline sa construction ang kaniyang kuya. Posibleng may nakaalitan umano ito roon na maaring nagtanim ng galit sa biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

Nangyari ang pamamaril habang umiiral ang gun ban at martial law sa Mindanao.

Loading...

Best Wordpress Plugin development company in India     Best Web development company in India