Share

UAAP finals: Sino ang lamang, dehado sa ‘Battle of Katipunan’ Game 2?

Nagtangkang umiskor ng layup si Ateneo Blue Eagle Thirdy Ravena sa Game 1 ng UAAP basketball finals kontra University of the Philippines Fighting Maroons. George Calvelo, ABS-CBN News

Inaasahan ng mga batikang coach at player na magiging maganda ang bakbakan ng Ateneo de Manila University Blue Eagles at University of the Philippines Fighting Maroons sa Game 2 ng “Battle of Katipunan” sa UAAP finals na gaganapin sa Miyerkoles. 

Susubukan ng Ateneo na mapanalunan na ang UAAP championship title, habang determinado ang UP Fighting Maroons na magkaroon ng Game 3 sa UAAP basketball finals series. 

Kumpiyansa si dating Ateneo coach Norman Black na matatapos ng Blue Eagles ang Finals series sa Miyerkoles kontra UP, pero inaasahan niyang maganda ang magiging laban ng dalawang koponan. 

“I think Ateneo has all the tools to finish the series on Wednesday,” aniya. 

Giit niyang nakasalalay ang performance ng UP sa paglalaro ni UAAP most valuable player Bright Akhuetie, na nagtamo ng hyperextended knee noong Game 1 at hindi tiyak na makakalaro siya sa Miyerkoles dulot ng iniindang injury. 

“It should be exciting. I think everything depends on the import of UP, how well he heals from his injury last game… Everybody’s saying he’ll play but up to what level? We’ll see.”

Para naman kay PBA Veteran Alan Caidic, importanteng palakasin pa ang depensa ng Ateneo, at ang matulungan ng koponan sina Thirdy Ravena at Matt Nieto sa opensa. 

Dagdag niya, importante ang paggamit kay Ateneo import Ange Kouame lalo na’t hindi pa tuluyang nakakarekober si Akhuetie. 

“Kailangan mag-step up ang ibang players kasi sa first game nila, only two players scored in double figures. Second, si Kouame dapat mag-step up. They should take advantage ‘yung situation ni Akhuetie.”

Pero ayon sa dating UAAP player, mauungusan ng UP ang Ateneo kung makagawa sila ng mismatch plays. Makakatulong din umano kugn aayusin pa ni UP captain Paul Desiderio ang kaniyang opensa, lalo na’t 5 puntos lamang ang naiskor ng UP captain noong Game 1. 

“For UP, they should shake up Ateneo,.. They have to think outside of the box, create some mismatches,” aniya. 

Para naman kay NCAA star Robert Bolick, mananaig ang championship experience ng Ateneo sa kabila ng fighting spirit ng UP. 

“They have a good chance but I think Ateneo is gonna win it,” ani Bolick, na panandaliang naglaro sa UAAP bago lumipat ng San Beda University. 

Para kay PBA legend Robert Jaworski, maganda para sa basketball community ng Pilipinas ang pagtangkilik ng UP at Ateneo communities sa kanilang mga team. 

Magkakaroon ng mga viewing venues sa mga mall at sinehan dahil pahirapan ang pagkuha ng mga tiket. 

Lalagyan din ng tatlong screen ang UP Sunken Garden para sa malawakang viewing ng laro. 

Mapapanood sa ABS-CBN Channel 2 at S+A ang laro, alas-3:30 hapon ng Miyerkoles. 

— Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News 

Article source: http://news.abs-cbn.com/sports/12/04/18/uaap-finals-sino-ang-lamang-dehado-sa-battle-of-katipunan-game-2

Loading...

Best Wordpress Plugin development company in India     Best Web development company in India